Tuesday, May 15, 2007
panakip butas
Dati laro lang para sa akin ang lahat ng ito. Akala ko hindi ako mahuhulog sa'yo. Pero eto ako,biglang nag bago. Akala ko hindi kita mamahalin, iiwanan at sasaktam lang kita. Pero heto ako, minamahal ka at nasasaktan dahil wala kana. Minsan sabi ko panakip butas lang kita, at iiwanan din pag nagsawa na. Pero ang panakip butas na ito binago ako. Tinuraang magmahal. Noon akala ko mahal ko talaga sya. Yan ang pinaniwalan ko. Pero unti-unti nag bago ang tibok ng puso ko. Tila ang panakip butas na to ay natutunan ko nang mahalin. At biglang naguluhan ang utak ko kung ano ba talaga ang nararamdaman ko. Hiniling sa iyo ang kalayaan ko. At biglang mo naman itong binigay sa akin. At simula noon hindi na tayo nag uusap at nagkikita pa. Lumipas ang mga araw na wala ka ay tila unti unting nakakalimutan na kita. At tinuon ang pansin sa iba. Nang natutunang mabuhay ng wala kana. Saka ka naman nag paramdam, kinausap ako na kalimutan ang nakaraan at patawarin ang isat isa. Alam kong kahit pilit natin iniiwasan na pag usapan ang nakaraan. Alam kung minahal mo ako at hanggang ngayon mahal mo parin ako. At kung sa ikalawang pagkakataon na iniwanan kita at muli ay nasaktan na naman kita. Sana ay patawarin mo ako... Selfish man ako sa paningin mo, ginawa ko lamang ito para sa ating dalawa. Kung darating man ang araw na mag kita uli tayong dalawa. Sana ay maging mabuti tayong mag kaibigan, gaya ng dati bago pa nakialam ang ating mga puso...
bcoz we r juz frenz!
I guess, hindi mo alam ang tunay kung nararamdaman para sa'yo. Akala ko ikaw na ang papalit sa puso ko. Yeah, you make it. You hurt me too. I guess hindi mo alam ang sinisabi ko. Hindi ko sadya na mag kagusto sa yo, coz in the first place you are not my type. Nung una i dont like you at all. i dont like the way you dress, the way you look, and the way you are. But i guess i misunderstood you alot. Yes, i am. When the time that i was given a chance to hang up with you, to know you better. Thats the time i realize that i am wrong. Kasi, kahit ganyan ka, isa ka palang maasahan na tao at mapag mahal, sobra. Kahit minsan wala kang kwentang kausap.Kaya nga minsan sabi ko sa sarili ko ako na lang kasi ang mahalin mo eh. Hindi na lang sya. Pero ano magagawa ko i'm just a friend. Kaibigan na lagi mo matatakbuhan pag ikaw ay nasasaktan. Alam mo bang nagagalita ako kapag nakikita kitang lasing na lasing, nagwawala at sinisira ang buhay mo. Marahil hindi mo alam. Minsan nga gustong gusto na kitang suntukin nang matauhan kana. Pero hindi ko magagawa at sa halip ay napapaiyak na lang. Dahil alam na alam ko kung paano masaktan ng taong mahl na mahal mo. Kung paano balewalaen nang taong inaalayan mo ng lahat. Ano ba ang magagawa ko parehas tayo ng nararamdaman. Naalala mo ba nang nag lasing at nag wala ka sa isang bar? yun ang unang beses na nakitang kita ganun. so wasted. Iremember,sabi mo dahil sa kanya nag mahal ka nang totoo. Pero ano sinaktan ka lang nya. Hindi mo alam na sobrang pinipigilan ko ang sarili ko, pinipigilan kung magalit at magwala sa harapan mo dahil wala akong karapatan na magalit dahil mag kaibigan lang tayo. At walang magagawa sa sakit na nararamdaman mo. At ang tanging magagawa ko lang ay makinig sa bawat hinanakit mo, makipag inuman sa iyo tuwing nasasaktan ka. Minsan nga akala mo na sa akin ay Pain reliever na sa tuwing nasasaktan ka ay all you have to do is to grabbed me and if just forget me... Ok lang kahit masakit coz we r juz frenz! Sana maging masaya kana... and hindi na wasted dahil sa kanya... and please ayusin mo naman nyang buhay mo...
Sunday, May 13, 2007
Subscribe to:
Posts (Atom)