Tuesday, May 15, 2007

panakip butas

Dati laro lang para sa akin ang lahat ng ito. Akala ko hindi ako mahuhulog sa'yo. Pero eto ako,biglang nag bago. Akala ko hindi kita mamahalin, iiwanan at sasaktam lang kita. Pero heto ako, minamahal ka at nasasaktan dahil wala kana. Minsan sabi ko panakip butas lang kita, at iiwanan din pag nagsawa na. Pero ang panakip butas na ito binago ako. Tinuraang magmahal. Noon akala ko mahal ko talaga sya. Yan ang pinaniwalan ko. Pero unti-unti nag bago ang tibok ng puso ko. Tila ang panakip butas na to ay natutunan ko nang mahalin. At biglang naguluhan ang utak ko kung ano ba talaga ang nararamdaman ko. Hiniling sa iyo ang kalayaan ko. At biglang mo naman itong binigay sa akin. At simula noon hindi na tayo nag uusap at nagkikita pa. Lumipas ang mga araw na wala ka ay tila unti unting nakakalimutan na kita. At tinuon ang pansin sa iba. Nang natutunang mabuhay ng wala kana. Saka ka naman nag paramdam, kinausap ako na kalimutan ang nakaraan at patawarin ang isat isa. Alam kong kahit pilit natin iniiwasan na pag usapan ang nakaraan. Alam kung minahal mo ako at hanggang ngayon mahal mo parin ako. At kung sa ikalawang pagkakataon na iniwanan kita at muli ay nasaktan na naman kita. Sana ay patawarin mo ako... Selfish man ako sa paningin mo, ginawa ko lamang ito para sa ating dalawa. Kung darating man ang araw na mag kita uli tayong dalawa. Sana ay maging mabuti tayong mag kaibigan, gaya ng dati bago pa nakialam ang ating mga puso...

No comments: